5 arestado sa pot session
PAMPANGA, Philippines – Kalaboso ang limang drug suspek na naaktuhan sa pot session makaraang salakayin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA-3) ang itinuturing na drug den sa Lot 24, Block 43, Phase 1 Northville sa Barangay Calulut sa San Fernando City, Pampanga noong Biyernes ng umaga.
Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Ligorio C. Cuano, 26; Jenalyn M. Morales, 34; Ronne M. Pangilinan, 36; Clarissa C. Gaza, 20; Cielovon A. Comomo, 28; at isang menor-de-edad na lalaki na pawang nakatira sa nasabing barangay.
Sa ulat ni PDEA-3 Regional Director Juvenal B. Azurin, sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency Region (PDEA-3) ang nasabing bahay na ginagawang drug den.
Ayon kay Azurin, umaabot sa P10,000 ang kinikita sa bentahan ng shabu ang nasabing bahay na ginawang drug den.
Nasamsam sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P120,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.
- Latest