^

Metro

Trader itinumba ng tandem

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang negosyante matapos tambangan sa Zabarte Road sa  Fairview, Quezon City kahapon  ng madaling araw.

Ayon kay Police Supt. Alex Alberto ng QCPD ang biktima na kinilalang  si Paul Michael Esguerra ay nagpapa-gasolina lamang ng kanyang motorsiklo nang maganap ang krimen.

Sinasabing  nagpapagasolina sa nabangit na lugar ang nasawi nang  bigla na lamang itong lapitan ng dalawang armadong lalaki at walang kaabug- abog na pinagbabaril sa ulo ang biktima .

Nang makitang patay na ang biktima ay agad namang tumakas ang mga salarin at saka sumakay sa isang motorsiko na naghihintay sa di kalayuan sa crime scene.

Hinala ni Alberto, may kinalaman sa negosyo ang ugat ng krimen dahil ang biktima ay may- ari ng isang bar  sa  nabanggit na lugar.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para matukoy kung sino ang salarin.

vuukle comment

TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with