^

Metro

Shootout : Lider ng ‘Bajar holdup gang’ utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines - Patay ang isang 32-anyos na sinasabing lider ng notoryus na ‘Bajar Holdup Gang’ na responsable sa serye ng holdapan at pagtutulak ng iligal na droga makaraang manlaban sa mga operatiba ng Manila Police District-Station1, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang suspek na si Celito Jarabillo, alyas Sitong Tulak, residente ng Building 16, Temporary Housing, sa Tondo, sanhi ng tinamong  mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-MPD-Homicide Section, dakong alas-11:05 ng gabi nang maganap ang barilan  sa pagitan ng suspek at  mga miyembro ng Follow-up Unit at Intelligence Unit ng MPD-Station 1, sa lugar ng una.

Ikinasa umano ang anti-criminality campaign sa pangunguna ni P/Senior Insp. Edwin Fuggan at kabilang sa pakay na arestuhin ang grupo ni Jarabillo.

Nakita nila si Jarabillo sa labas ng bahay subalit alerto umano ang suspek na agad na  nagbunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba bago nagtatakbo.

Wala namang tinamaan sa mga pulis na mabilis na  hinabol ang suspek na pumasok sa kaniyang bahay habang nagpapaputok dahilan para gumanti na rin ng putok ang mga pulis at tamaan ang suspect.

Kabilang si Jarabillo sa drug watchlist ng presinto,  bukod sa dami ng reklamong natatanggap na ang grupo nito ang sangkot sa serye ng holdapan sa naturang lugar.

Nakuha mula sa suspek  ang mga plastic sachet na pinaniniwalaang gamit sa pagre-repack ng shabu,  iba’t-ibang drug paraphernalia at isang sumpak na may 3 bala at isang basyo. 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with