^

Metro

2 bulagta sa pamamaril sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae at isang lalaki ang magkasunod na napaslang  ng hindi pa kilalang  mga suspect sa may Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christina Padual, 30, dating GRO at isäng kinilala lamang sa alyas Alvin na nakasuot ng pulang t-shirt at cream na shorts, tinatayang 25 hanggang 30-anyos.

Ayon kay Emily Mateo, BPSO ng naturang barangay, ang pamamaril ay naganap habang ang babaeng biktima ay bumibili ng pakwan mula sa isang naglalako sa naturang lugar, samantalang ang biktimang lalaki ay nasa kalapit na karinderya lamang  sa lugar at bumibili ng sigarilyo.

Noong mga panahong iyon umano ay dumating ang tatlong kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo at bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima at saka agad na tumakas.

Ani Mateo, ang boyfriend ni Christina na isäng alyas Melvin ay sangkot umano sa droga na nahuli na sa isang drug bust .

Nakuha naman sa bulsa ng babae ang mga drug paraphernalia.

Narekober ng mga pulis sa crime scene  ang 14 na basyo ng bala ng baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kasong ito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with