^

Bansa

Product revolution, sagot sa kawalang trabaho ng mga Pinoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may rebolusyon laban sa ipinagbabawal na gamot si Pangulong Duterte, kailangang magsagawa rin siya ng ‘product revolution’ na siyang sagot sa kawalang trabaho ng mga Pilipino.

Ayon sa kilalang inhinyero na nagkamit ng medalyang ginto mula sa Estados Unidos dahil sa kanyang imbensyon, sinabi ni Engr.  Aquilino Tubigan, Jr., na mas kailangan ng mga mamamayan ang rebolusyon sa paglikha ng mga produkto.

Sa ngayon aniya, ang nililikha ng sistema ng edukasyon sa bansa ay mga manggagawa upang maging competitive, ngunit higit aniyang mahalaga na mismong ang kabataang Pilipino ang bigyan ng pagkakataon upang gumawa ng mga produkto at industriya na sasagot sa problema ng bansa sa unemployment.

Ayon kay Tubigan, isang Filipino inventor na nakaimbento ng mobile charging station na tinatawag na i-charj bata pa lamang ay kailangan ng turuan ang mga kabataan na masaliksik ang mga kaya nilang gawing produkto na maaaring ipagbili sa merkado.

Inihalimbawa ni Tubigan ang pagbibigay niya ng pagsasanay o skills sa mga Out-of-School Youth (OSY) sa Inventors School of the Philippines, na pagkatapos ng ilang linggong kasanayan ay mayroon ng nagawang mga produkto na maaaring ibenta at lumikha ng trabaho.

 

vuukle comment

PRODUCT REVOLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with