^

PM Sports

FEU Baby Tams naunahan ang NU Bullpups

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay na natanganan ng Far Eastern University-Diliman ang kanilang kalamangan para talunin ang defending champions Nazareth School of National University sa Game 1 ng kanilang best-of-three series para sa kampeonato ng juniors division ng UAAP Season 79 basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Gumawa ng pitong puntos kasama ang double-double na 10 rebounds at 10 assists ang guard na si LJ Gonzales mula sa bench upang tulungan ang FEU-Diliman na lumapit sa inaasam na titulo.

Nagposte ng 43-34 na bentahe ang Baby Tamaraws pagkatapos ng first half na pilit hinabol ng Bullpups sa kabuuan ang second half. Nagkaroon pa ng tsansang manalo ang Bullpups subalit hindi naipasok ni John Lloyd Clemente ang huling tira mula sa malayo.

Namuno sa opensiba ng Baby Tams si starting center Kenji Roman na umiskor ng 12 puntos, kabilang ang walong rebounds.

Bagama’t mas maraming turnovers ang FEU-Diliman (23-16), nakabawi naman ang mga ito sa rebounding matapos pumitas ng 48 rebounds kumpara sa 36 lamang ng NU.

Ang pagkatalo ng Bullpups ay ang kanilang pang-apat ngayong season at pangalawa sa kamay ng Baby Tams.

Kumolekta naman ng 25 puntos si Clemente para sa defending champions na susubukang makapuwersa ng do-or-die Game 3 sa darating na Biyernes. FMLumba

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with