^

PM Sports

Nasingitan sila ni Crawford

Pang-masa
Nasingitan sila ni Crawford
Ang Le Tour Champion na si Jai Crawford ng Australia.
Le Tour photo

LUCENA CITY, Philippines — Ibinuhos lahat ni Australian Jai Crawford at sumandal sa kanyang lakas at karanasan upang pangunahan ang pinakamahaba at final stage para tanghaling champion ng 8th Le Tour de Filipinas na handog ng Air21.

Humataw agad si Crawford sa unang 10 kilometro ng karera kasama ang  anim na riders para simulan ang breakaway na nanatili sa unahan bago umahon sa Tatlong Eme sa Atimonan—may 30 kms bago ang finish line na dumiskaril sa three-day leader na si Daniel Whitehouse  ng Great Britain sa pagkopo ng kanyang International Cycling Union race sa edad na 22-gulang.

Sinabi ni Crawford, ‘di nagtagumpay noong nakaraang taon kasama ang Kinan Cycling Team na may ibubuga pa ang kanyang mga binti sa edad na 33-gulang matapos ang 207.35-km Stage Four na pinakawalan sa ilalim ng masikat na araw sa Daet, Camarines Norte at inabangan ng maraming tao sa kalsada sa Bicol Region at Quezon Province.

“It’s not really a race for me because there’s no mountain top finish,’’ sabi ng dating miyembro ng Australian national team. “I normally get a better result in the mountains, but I’m still happy for my team to start the year with a win.”

Laging nagbabalak si Crawford sa unang tatlong stage ng karera at tumawid ng finish line bilang fifth place sa final stage na pinagwagian ni Sanghong Park ng LX Cycling Team sa tiyempong five hours at 13 seconds.

Dumating si Whitehouse na may layong 2:28 minuto kay Crawford kasama ang mga contenders na sina Benjamin Hill ng Attaque Gusto, Stage Three winner Fernando Grijalba ng Kuwait Cartucho.Es at Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling Team.

Sinabayan ni Edgar Nohales Nieto ng 7Eleven-Road Bike Philippines si Crawford sa maagang breakaway hanggang sa bahagi ng King of the Mountain  sa  “Tatlong Eme” ngunit bumitiw ito sa huling anim na kilometro papasok ng Lucena City Hall Annex finish line  kaya nakawala sa kanya ang pagkakataong makuha ang general classification title.

“I was in crisis in the last 10 kilometers. I gave my 100 percent in the race for my team and tried to survive but I was totally empty,’’ sabi ni Nieto,  Spanish rider na apat na taon nang nakatira sa Dagupan City.

Isa lang ang nasa isip ni Crawford – ang burahin ang kanyang dalawang minutong layo sa dating lider na si Whitehouse na nalagay sa alanganin matapos maipit sa gitna ng peloton sa kalagitnaan ng Naga City-Daet Stage Four.

Gayunpaman, si Whitehouse ang naging Best Young Rider, si Park ang Sprint King.

 

vuukle comment

LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with