^

Para Malibang

Pangalawang Anino(10)

Gilda Olividado - Pang-masa

PINATAYO si Alona sa ibaba ng stage, sa gitna. Nasa tabi niya si Roger. Pumila na ang mga taga-Itom.

Inililis ni Alona ang kanyang damit, kita ang kanyang panty at maumbok na tiyan.

Mapalalaki-mapababae ay lumapit at kumurot ng masakit sa tiyan ni Alona.

“Aray! Huwag masakit! Huwag idiin!” Reklamo ni Alona.

Pero ngumisi lang ang mga taga-Itom. Patuloy pa rin ang maliit at masakit na kurot sa tiyan ni Alona.

Marami nang sugat, may mga mumunti pang dugo.

Nang makita ito ni Roger, nagalit. “Itigil na ito! Hindi  dapat ito! Ano ba kayo? Bakit ganyan ninyo tratuhin si Alona, bakit kailangang kurutin ang tiyan niya! Akala ko ba para kaming hari at reyna dito at ang aming magiging anak ay parang prinsesa!”

Walang sumagot.

Sumenyas ang Tagapag-alaga.

Apat na lalaking taga-Itom ang lumapit at bumitbit kay Roger. Inilagay ito sa tabi, itinali sa poste.

“Mga tarantado kayo, a! Akala ko pa naman mga mababait kayo! Pakawalan n’yo ako, aalis na lang kami dito ni Alona!”

Pero walang nakinig sa kanya. Patuloy ang pagkurot ng mga taga-Itom sa tiyan ni Alona. Mahaba pa ang pila.

Nanunulak na si Alona, ayaw nang magpalapit, ibinaba na niya ang damit, hindi na kita ang kanyang tiyan.

Tumatagos pa sa kanyang damit ang mga dugo-dugo ng mga kurot.

“Ayoko na ng mga kurot ninyo, mga walanghiya kayo! Roger, umalis na tayo dito! Kalagan ninyo si Roger!”

Pero sa halip na kalagan si Roger, si Alona naman ang itinali sa poste, inililis uli ang damit, kita uli ang panty at tiyan na puro dugo na at mga kurot. Ang pangit nang tingnan ng kanyang tiyan.

Sumigaw na si Alona. “AAAAAHHHHH! Huwag n’yo na akong saktan mga letse kayo!”

SI SHEILA ay hindi pa rin lubusang galit kay Roger. Ang kanilang mga anak ay naghahanap sa kanilang ama.

“Mga anak ko, naligaw yata ang Itay ninyo sa Itom kaya hindi pa nakakauwi. Hintayin na lang natin siyang bumalik, ha?” (ITUTULOY)

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with