^

Pang Movies

John Lloyd, nanay ang ka-date sa 14!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagal na ring single si John Lloyd Cruz pero mukhang hindi niya iniinda ito at masaya siyang ginagawa ang mga trabaho niya. Hindi naman ako naniniwala sa chikang sila na ni Maja Salvador dahil nagkakasama lang sila dahil pareho ang handler nila sa Star Magic.

Matagal na rin walang teleserye si Lloydie at masaya na siya sa kanyang role sa Home Sweetie Home.

Maski noon pa man ay hindi daw niya naiisip na lilisanin ang comedy show na ito kahit walang bayad dahil nag-eenjoy daw siya. May bago siyang movie project for Star Cinema kung saan muli niyang makakatambal si Sarah Geronimo. Hindi lang namin batid kung nagsimula na itong mag-shooting.

Ngayong Valentine ay loveless si Lloydie at walang partner. Pero kung wala raw balak ang daddy niya na ilabas ang mommy niya ay siya daw ang gagawa nito. Lalo na ngayong nagkakaedad na ang mga magulang niya at marami siyang panahon na makasama ang pamilya.

Janine napi-pressue maging ‘bulag’

Aminado si Janine Gutierrez bilang lead star ng bagong GMA drama series na Legally Blind na ibang klaseng pressure ang nararamdaman niya dahil ngayon lang siya nakahawak ng ganito ka-challenging at ka-mature na role. Aniya, “Napaka-unique kasi ng istorya at gusto ko lang talagang magampanan ng mabuti yung character ko kasi alam kong maraming babae ang pinagdadaanan yung ganitong klaseng abuse.”

Sa serye, isang bulag na abogado si Janine na biktima rin ng rape.

Gayunpaman, excited daw siya dahil alam niyang maraming viewers ang makaka-relate sa karakter niya at motivated daw siyang magsilbing inspirasyon and source of strength ng mga ito.

Kris may natutunan sa pagmamahal

Eye-opener daw para kay Kapuso actress Kris Bernal ang ginawa niyang pag-portray sa karakter na tampok sa anniversary episode ng Wagas bukas (Feb. 11). “Ang sarap niya i-portray kasi natututo ka,” say ni Kris sa character ni Christina—isang babaeng na-in love sa isang deaf-mute na gagampanan naman ni Rocco Nacino. Kwento niya, hindi rin daw niya inaasahan na possible pala talaga ang ganitong klaseng pagmamahal.      

 

 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with