^

Bansa

Jee pinangalanang 'Jose Ruamar Salvador’ sa death certificate

Pilipino Star Ngayon
Jee pinangalanang 'Jose Ruamar Salvador� sa death certificate
Korean businessman Jee Ick Joo
File photo

MANILA, Philippines – Matapos malaman na dumaan sa cremation ang bangkay ng pinatay na Korean businessman Jee Ick Joo, lumabas sa pagsisiyasat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na iniba ang kaniyang pangalan sa death certificate.

Ayon sa ulat ng PCIJ, bukod sa pinangalanan na Jose Ruamar Salvador, nakalagay din sa detalye ng bangkay na isa siyang Pilipino at residente ng Champaca St., Sta. Quiteria, Caloocan City.

Dinala umano ang bangkay ng 53-anyos na negosyante sa St. Nathaniel Crematory sa La Loma, Caloocan City bandang alas-11 ng umaga ng Oktubre 19, isang araw matapos siyang dukutin sa kaniyang bahay sa Angeles, Pampanga bago pinatay sa Camp Crame.

Isang tauhan ng Gream Funeral Services sa Bagbaguin, Caloocan City ang nagpakilalang may dala ng bangkay at siya na rin umano ang lumagda sa lahat ng papeles para sa cremation.

Ayon sa tauhan ng crematorium, nalaman lamang nila na si Jee ang bangkay na dinala sa kanila noong Enero 18 matapos silang bisitahin ng mga taga National Bureau of Investigation (NBI).

Hawak na ng NBI ang mga tauhan ng Gream Funeral Services at inaasahang makapagbibigay ng impormasyon kung sino ang nagdala sa kanila ng bangkay ni Jee.

Biktima si Jee ng tinaguriang “tokhang for ransom” kung saan ang mga pulis ang dumudukot ng biktima at manghihingi ng ransom sa pamilya nito.

Nasa kustodiya na ng PNP ang itinuturong pumatay kay Jee na si SPO3 Ricky Sta. Isabel. Itinanggi naman ni Sta. Isabel na siya ang pumatay sa Koreano at sinabing fall guy lamang siya ng matataas na opisyal ng Kapulisan.

vuukle comment

NBI

OPLAN TOKHANG

PNP

TOKHANG FOR RANSOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with