^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi na kaya itataboy sa sariling pangisdaan?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi na kaya itataboy sa sariling pangisdaan?

TATLONG araw makaraang sabihin ni Pres. Rody Duterte na makakabalik na sa Panatag Shoal (Scarborough) ang mga Pilipinong mangi­ngisda, nagkatotoo ang kanyang sinabi. Noong Miyerkules, nagbalik sa Panatag ang walong grupo ng mga mangingisdang Pinoy at muling nangisda roon makaraan ang limang taon. At sa buong pagtataka ng mga mangingisda, hindi sila hinarang ng Chinese patrol boat. Hinayaan silang makapangisda at maski nang makaalis na sila ay wala mang lang humabol sa kanila. Dati, papalapit pa lamang sila sa Panatag ay hinaharang at itinataboy na sila. May isang pangyayari na binangga pa ang kanilang bangka ng barko ng China Coast Guard at binomba pa sila ng tubig.

Sinabi ni Duterte noong Linggo nang dumalaw sa mga biktima ng bagyong Lawin sa Cagayan at Isabela, na huwag daw mainip ang mga ma­ngi­ngisda at makababalik na rin sila sa Panatag. Maghintay-hintay lang daw. Sinabi iyon ni Duterte, ilang araw makaraang dumalaw sa China at nakipag-usap sa mga matataas na lider doon. Mainit na tinanggap si Duterte ng Chinese leaders sa loob ng apat na araw na pagbisita roon at nakapag-uwi ng bilyong pisong investment packages. Nag-donate pa ang Chinese government ng P90-milyon sa mga sinalanta ng bagyong “Lawin” sa Northern Luzon.

Magandang pangitain na nakakapangisda na uli ang mga Pinoy sa sariling pangisdaan at hindi na nakakaranas ng pambu-bully. Pero hanggang saan ito? Baka hanggang ngayon lang na kada­dalaw lamang ni Duterte sa China at mainit pa ang pakikipagkamayan sa Chinese leaders. Pa­ano kung tumagal na? Wala namang kasunduan na namagitan ukol sa gagawing pangingisda sa Panatag. Pawang pag-uusap lamang at hindi pa yata naka­rekord ang pinag-usapan ni Duterte at Chinese premier.

Hindi kaya dumating ang araw na itaboy at bombahin uli ng tubig ang mga mangingisdang Pinoy? Sana naman, hindi na iyon maulit. Kapag nangyari iyon, dito masusubok ang Presidente.

vuukle comment

PANATAG SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with