^

Metro

Bebot itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bebot itinumba
Ineeksamin ng PNP-SOCO ang bangkay ng isang babae na pinagbabaril at napatay ng hindi nakikilalang suspects sa may 13th St. Port Area Manila.
Joven Cagande

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang babae nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa Port Area, May­nila, kahapon ng umaga.

Walang nakitang anu­mang pagkakakilanlan sa biktimang inilarawan sa edad na 20-25, nasa 4’8 lang ang height, nakasuot ng checkered pink na bestida at shorts, blue ang kulay ng tsinelas, blue ang plastic wrist watch at silver ang hikaw at singsing.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa Railroad St., sakop ng Brgy. 650, Port Area.

Nakita lamang na kausap ng dalawang lalaki ang biktima at hindi nagtagal ay nagtatalo na sila hanggang sa paputukan ang biktima ng ilang ulit sa katawan kapwa armado ng kalibre .45 at kalibre 9MM na mga suspek.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas naman ang mga suspek at isa pang lalaki na kasabwat na nagsilbing look-out ang kasabay nilang pumasok sa eskinita sa Railroad St.

Tumanggi ang mga nakasaksi na magbigay ng pahayag at ilan din ang nagsabi na hindi kilala sa lugar ang biktikma na posibleng dumayo lamang.

May teorya na posibleng  iskorer ng shabu ang biktima na dumada­yo sa lugar at hindi nakapag-remit kaya itinumba. May teorya rin na posibleng nagpakamalang ‘asset’ ng pulisya ang biktima kaya  ito itinumba.

Patuloy pang inaalam ang mga pagkilanlan ng mga sangkot at kung ano ang motibo sa krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with