^

PSN Palaro

Pacquiao iniisip ang trabaho sa senado

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kaagad uuwi matapos ang laban kay Vargas

LOS ANGELES – Ngayon pa lamang ay iniisip na ni Manny Pacquiao ang kanyang trabaho sa Senado.

Sinabi ni Pacquiao na kaagad siyang uuwi ng Pilipinas matapos ang kanilang upakan ni Mexican-American world welterweight titlist Jessie Vargas sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

“Uuwi agad ako after the fight,” sambit kahapon ni Pacquiao sa isang tanghalian.

Tatangkain ng 37-anyos na si Pacquiao na agawin sa 27-anyos na si Vargas ang suot nitong World Boxing Or­ganization welterweight crown na dalawang beses na niyang nakamit.

Halos apat na linggo siyang nagsanay sa Elorde Gym sa Pasay City kasama sina chief trainer Freddie Roach at assistant Buboy Fernandez.

Ang training camp ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California ay isasara sa publiko mula sa direktiba ni Roach sa kanyang security.

Ayon sa Senador, sasakyan kaagad niya ang unang eroplanong aalis ng Las Vegas isang araw matapos ang ka­nilang laban ni Vargas para makabalik ng Manila sa Mar­tes ng umaga (Manila time) at dumalo sa sesyon ng Senado sa hapon.

Magpapatuloy ang sesyon ng Senado sa Lunes at hin­di kaagad makakadalo si Pacquiao maliban na lamang kung mapapabagsak niya si Vargas sa first round, maliligo ng mabilis at dumiretso sa airport para umabot sa evening flight kung mayroon man.

Aminado si Pacquiao na hindi siya makakadalo sa first session sa Nobyembre 7 matapos ang Senate recess.

“One day absent ako. Hindi na siguro masama ang isang araw,” wika ni Pacquiao.

Matapos mailuklok sa Senado sa eleksyon noong Ma­yo ay nangako ang dating Sarangani Congressman na hin­di siya liliban sa anumang sesyon ng Senado.

Sa kanyang termino bilang Congressman ay kinonde­na ang maraming beses niyang pagliban sa Kongreso tu­wing siya ay may laban.

Sinabi ng kanyang public information officer na si Aqui­les Zonio na may perfect attendance ang eight-division champion bilang Senador.

Kahit nagsasanay ay tinitiyak ni Pacquiao na makaka­dalo siya sa afternoon sessions ng Senado.

Ayon kay Pacquiao, may mahalagang Senate deliberation sa Martes kaya gusto niya kaagad makauwi.

“Budget deliberation,” sambit ni Pacquiao na aktibong lumalahok sa mga pagdinig sa Senado.

Sa kanyang mga nakaraang laban ay nakaugalian na ni ‘Pacman’ na manatili ng ilang araw sa Los Angeles para magpahinga at magbakasyon.

Ngunit ngayon ay kailangan na niyang umuwi kaagad ng Pilipinas para maipagpatuloy ang kanyang tungkulin sa Senado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with