^

Metro

Maid huli sa abortion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 19-anyos na kasambahay matapos umanong ilaglag ang sariling anak sa isang public comfort room sa Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa inisyal na ulat, pumasok sa palikuran ng Obrero Market si alyas Anna, tubong Ormoc City.

Halos tatlong oras na umano siyang nasa loob ng banyo kaya’t pinilit siyang lumabas ng isang barangay tanod.

Dito na nakita na karga-karga ni Anna ang tinatayang pitong-buwang gulang na patay na sanggol na lalaki.

Ayon kay Rexil Olanga, comfort room attendant, narinig niyang may umiiyak na sanggol sa palikuran.

Duguan namang natagpuan ang pantalon ni Anna habang pilit na itinatago ang sanggol sa isang tuwalya.

Sinasabing naghanap pa ng basuharan ang batang ina.

Depensa naman ni Anna, hindi niya inilaglag ang sanggol. Hindi aniya inaasahan na sa banyo siya aabutan ng panganganak.

Isinugod na sa Ospital ng Sampaloc si Anna at dinala na sa funeraria ang kanyang anak.

 

vuukle comment

ARESTADO

AYON

BATAY

CRUZ

DEPENSA

DITO

DUGUAN

OBRERO MARKET

ORMOC CITY

REXIL OLANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with