^

Metro

Armored van holdap: 1 patay, 7 pa sugatan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang holdaper ang nasawi nang mabigo ang tangkang panghoholdap ng grupo nito sa isang armored van makaraang makipagbarilan ang mga alertong security guard sa loob ng Alabang Town Center (ATC) sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang napatay na holdaper sa pama­magitan ng nakuhang ID na si Pepito Paler. Su­gatan naman ang dalawang security guard na sina Alexander Tablada at Lope Bacomo, na nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Asian Hospital dahil sa tama ng bala sa leeg.

Lima katao pa ang sugatan makaraang tamaan ng nabasag na salamin sa loob ng Sterling Bank of Asia na pina­sabugan ng mga suspect.

Kabilang dito ang hindi pa pinanga­lanan na ma­nager ng naturang banko, dalawang staff, isang guwardiya at isang kli­yente.

Dakong alas-10:05 ng umaga nang matu­nugan ng mga security guard ang presensya ng mga armadong suspect na hinihintay ang pagdating ng armored van ng Bank of the Philip­pine Island (BPI) na magde­deliber ng pera sa Sarina money changer na nasa loob ng Alabang Town Center.

Nang masita, agad na nagpaputok ang mga suspect sa mga guwar­diya na gumanti rin ng putok.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok, biglang may sumabog sa Sterling Bank na nasa kanto ng Commerce Ave­nue at Molito Complex hanggang maka­takas ang mga holdaper lulan ng isang Mitsubishi Lancer (PKR-173) at motor­siklo.

Inabandona naman ng mga suspect ang naturang kotse sa may Alabang-Zapote Road.

Narekober sa naturang lugar ang isang kalibre .45 na gamit ng nasawing holdaper, at isang granada.

Matatandaan na noong Pebrero 10, dalawang security guard ang nasawi nang holdapin din ng mga armadong lalaki ang isang armored van na magdadala rin ng pera sa isang money changer sa loob ng ATC.

Samantala, agad namang sinibak sa posis­yon ang chief of police ng Muntinlupa na si Sr. Supt. Ramiro Bausa, at pansamantalang ipinalit si SPD chief of staff Senior­ Supt. Conrad Capa, bilang OIC.

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ALEXANDER TABLADA

ASIAN HOSPITAL

BANK OF THE PHILIP

COMMERCE AVE

CONRAD CAPA

ISANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with