PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Chinese trader hinoldap na, ginilitan pa

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sina­pit ng isang negosyanteng Chinese mula sa kamay ng dalawang  holdaper na ma­tapos na holdapin ay paulit-ulit na ginilitan kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Agad namang nadakip ang suspect na napatay din makaraang manlaban sa mga umarestong pulis sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Ins­pector Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Lirong Yang, 27, tubong-Fujian, China at nanunuluyan sa Sta. Elena St., Binondo, Maynila.

Dakong alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan  ng Muelle­ del Binondo at San Nicolas Sts., ng nasa­bing  lugar­.

Lumilitaw na sakay ng kuliglig ang biktima  upang bisitahin ang isang kaibigan sa Chinatown Steel Tower na matatagpuan sa Asuncion St., Binondo.

Pagsapit umano sa kahabaan ng Muelle del Binondo malapit sa Nicolas St ay inihinto umano ng driver na nakilalang si Rocky Bangayan, 24, at kasama nito ang kuliglig sa isang bakanteng  lugar. Dito sini­mulan nang limasin ang mga gamit ng biktima  habang nakatutok sa kanya ang isang patalim.

Sa pag-aalalang maki­kilala ng biktima, minabuti na lamang­ ng driver na laslasin ang leeg nito at nang ma­tiyak na patay na ay inihulog na lamang sa sementong kalsada.

Ayon naman sa  security guard na si  Arnold Terceno, sinigawan niya ang suspect at biktima nang makita ang  komosyon. Mabilis namang tumakbo ang mga  suspect at iniwan ang biktima. Hindi na nagawang ma­itakbo ni Terceno ang biktima sa pagamutan dahil namatay na rin ito maka­lipas lamang ng ilang minuto. Narekober naman sa crime scene ang ginamit na patalim sa biktima.

Sa isinagawang follow-up operation nadakip si Ba­nga­yan kahapon ng umaga­ subalit pilit na nanlaban ang suspect dahilan upang paputukan ito ng mga awto­ridad na naging sanhi ng ka­n­yang kamatayan. Pinag­hahanap pa ang kasabwat nito.

  • Follow Us: