Back to Top
'Reymart Santiago,' pinagbabaril, dedo
Mer Layson(The Philippine Star) - July 18, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki ang isang binatilyong halos kahawig sa pangalan ng aktor na si Raymart Santiago habang naghihintay ng masasakyan sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang 17- anyos na biktimang si Reymart Santiago at residente ng #89 Bantayog St., Concepcion  Uno, Marikina City, bunsod ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan. Agad namang tumakas ang hindi kilalang mga suspek,  lulan­ ng motorsiklo, bitbit ang armas na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-10:15 ng gabi nang maganap ang krimen sa Bantayog  St. corner B.G. Molina St., sa Concepcion Uno. Nag-aabang umano ang biktima ng masasakyan nang bigla na lang lapitan ng isa sa mga suspek at pagbabarilin.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay kaagad na sumakay ang suspek sa isang naghihintay na itim na Honda Wave-125 at saka tumakas.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng krimen at kung sino ang may kagagawan nito.

BANTAYOG BANTAYOG ST. BATAY CONCEPCION UNO HONDA WAVE MARIKINA CITY MARIKINA CITY POLICE MOLINA ST. RAYMART SANTIAGO REYMART SANTIAGO
  • Latest
  • Trending
  • Recommended
Trending
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with