PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sariling pamangkin idiniin ni Ebdane sa shabu

Pinatunayan ng pulisya na walang kama-kamag-anak sa batas matapos na arestuhin sa isinagawang buy-bust operation ang umano’y pamangkin ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane at isa pang kasabwat nito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.


Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag sa Camp Crame ang suspect na nakilalang si Oliver Renato Ebdane, 40, binata ng West Avenue, Quezon City at Godofredo Siochi, 39, negosyante, ng Quirino Hi-way, Quezon City.


Sa ulat ng pulisya, isinailalim sa masusing surveillance ang dalawang suspect hanggang sa makumpirma na sangkot ang mga ito sa bentahan ng droga.


Agad namang itinakda ang operasyon laban sa mga ito kamakalawa ng gabi sa may West Avenue ng nabanggit na lungsod.


Nasamsam sa dalawa ang hindi pa mabatid na timbang ng shabu, gayundin ang dalawang baril at mga bala.


Nabatid na si Oliver ay pamangkin ng PNP chief.(Ulat ni Danilo Garcia)

  • Follow Us: