^

Metro

Almeda tatayo na sa Pulpito, magpapatotoo

-
Malakas na ang bantog na TV evangelist na si Wilde Almeda at nakatakdang tumayo sa pulpito upang magpatotoo hinggil sa mga himalang naranasan niya at ng kanyang mga prayer warriors sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ang unang pagharap sa publiko ni Almeda ay gaganapin sa darating na Linggo sa ganap na alas-6 ng hapon sa Amoranto Stadium sa Quezon City.

Kabilang sa patotoong ihahayag ni Almeda ay nang tutukan siya ng armalite ng isang bandidong Abu Sayyaf subalit nang kalabitin ang gatilyo’y hindi ito pumutok.

Ayon pa kay J.D. Saredal ng Jesus Miracle Crusade, totoong nakatakda nang pugutan ng ulo ang tatlo sa mga prayer warriors noong Hulyo 2 pero ito ay hindi natuloy. Tatagain ng kris si Bro. Alvin Flores nang manigas ang katawan ng Abu Sayyaf.

Sa napakaagang prayer meeting noong Hulyo 3 ay nag-init ang ulo ng isang Abu Sayyaf at tinangkang barilin si Pastor Almeda, ngunit hindi pumutok ang armalite. Binaril ng kalibre .45 ang pastor pero hindi rin ito pumutok. Sa panahon ng military operations, mula Setyembre 16 sa lugar ng mga preachers ay lumatag ang makapal na ulap kaya hindi sila nakita.

Itinuring ng JMC na sunud-sunod na himala ang isa-isang pagpapalaya sa mga hostages.

Ang 12 prayer warriors ay nakatakda ring maghayag ng iba’t ibang testimonya, patotoo at karanasan mula sa Talipao sa malaking araw ng Linggo.

Samantala, ang grand thanksgiving and victory celebration ng JMC kaugnay ng misyon sa Talipao ay nakatakdang ganapin sa November 19 sa Luneta Park. Magsisimula ang pagtitipon ganap na ika-8 ng umaga hanggang gabi. (Ulat ni Rowena Del Prado)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALMEDA

ALVIN FLORES

AMORANTO STADIUM

HULYO

JESUS MIRACLE CRUSADE

LINGGO

LUNETA PARK

PASTOR ALMEDA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with