^

Metro

Pagpasok ng prov'l buses sa Metro sinuspinde

-
Dahil sa pinangangambahang makaragdag pa sa nararanasang problema sa daloy ng trapiko sa pagpasok ng provincial buses sa Metro Manila, ipinahayag kahapon ng Metro Manila Development Authority ang pagsususpinde ng application ng ruta rito.

Ito ay matapos ideklara ng Department of Transportation and Communications ang pagpapahinto sa pagbibigay ng certificate of public conveyance (CPC) sa mga bus na panlalawigan.

Base sa Department Order No. 2000-57, ang DOTC ay nagbuo ng komite sa pangunguna ni DOTC Undersecretary Willie Evangelista para rebisahin ang nasabing direktiba na pagbubukas ng ruta sa mga bus na panlalawigan sa Metro Manila.

Sinabi naman ni MMDA Chairman Jejomar Binay na nag-utos na ang DOTC sa LTFRB na ihinto ang pagsasagawa ng pagdinig sa lahat ng applications.

Ayon kay Binay, kung papayagan ang mga provincial bus na pumasok sa Metro Manila ay madaragdagan ng 1,300 ang mga bus dito na maaaring maging sanhi upang bumigat pa ang daloy ng trapiko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BINAY

CHAIRMAN JEJOMAR BINAY

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DEPARTMENT ORDER NO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

UNDERSECRETARY WILLIE EVANGELISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with