^

Metro

Lady guard ni-rape, hubo't hubad na nakatakbo

-
Hindi na inalintana ng isang lady guard ang pagtakbo niya ng walang saplot sa buong katawan para lamang makaiwas sa tiyak na kamatayan sa kamay ng manyakis na nanggahasa sa kanya habang siya’y nasa duty, kamakalawa ng madaling-araw sa Pasig City.

Itinago ang biktima sa pangalang Mary, 25, may asawa at residente ng Bgy. Bagong Ilog, Pasig City. Lumabas sa pagsusuri ng medico-legal na positibo nga itong ginahasa.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Enrico Dalusong, 28, binata, club attendant, at naninirahan sa #15 Banaag st., Purok 1, Bgy. Pineda, ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Edith Castro, ng EPD-Criminal Investigation Group, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw. Nagbabantay ang biktima sa harap ng Al River Export Corp. nang mapadaan ang suspek.

Makalipas ang ilang minuto, muling bumalik si Dalusong at agad na inatake ang biktima sa pamamagitan ng pagsuntok sa sikmura at kinaladkad sa loob ng gusali.

Habang nakatutok ang isang matulis na bakal, agad na hinubaran ng suspek ang biktima na nanghihina bago tuluyang ginahasa sa ibabaw ng isang lamesa.

Matapos makaraos, tinangkang patayin ng suspek ang biktima na nagawang itulak ito at manakbo sa labas kahit na wala itong saplot. Nakahingi naman ito ng tulong sa mga tanod at agad na dinala ito sa istasyon ng pulisya.

Naaresto sa loob ng kanyang tahanan si Dalusong dakong alas-3:45 kamakalawa ng hapon matapos na positibong ituro ito ng biktima. Nahaharap ito ngayon sa kasong panggagahasa at physical injuries sa korte. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AL RIVER EXPORT CORP

BAGONG ILOG

BGY

CRIMINAL INVESTIGATION GROUP

DALUSONG

DANILO GARCIA

EDITH CASTRO

ENRICO DALUSONG

NAARESTO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with