^

Metro

Walang dalaw na preso nagbigti sa selda

-
Isang detenido sa Central Police District (CPD) headquarters ang natagpuang nakabigti sa loob ng kubeta dahil hindi umano ito dinadalaw ng kanyang mga kaanak at kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Camp Karingal, Quezon City.

Nakabigti ng strap ng bag sa loob ng comfort room ng Criminal Investigation Division (CID) detention cell ang biktimang si Ernie Riola, 21, barbero, may kasong murder at nakatira sa Block 6 Lot 11 Commonwealth Ave., QC.

Sinabi ng isang kasamahan sa selda ng biktima na si Roy Natividad na nakita umano niya itong nagbabasa ng Bibliya bandang alas-4 ng madaling-araw sa loob ng kanilang piitan sa CID.

Nagdaramdam umano ang biktima dahil simula nang makulong ito, isang linggo na ang nakakaraan ay walang dumadalaw sa kanyang mga kaanak o kaibigan.

Kinasuhan ng murder si Riola dahil sa ginawa umanong pagpatay sa kanilang kapitbahay na si Jay Capulong. Walang inirekomendang piyansa ang QC Prosecutor’s Office para sa pansamantalang kalayaan nito.

Nagtataka naman ang ilang detenido kung bakit nananatili sa detention cell ng CID ang biktima gayong noong Okt. 16 pa ito na-inquest sa piskalya kaya dapat ay inilipat na ito sa QC jail.

Iniutos naman kahapon ni CPD director Victor Luga kung mayroon foul play sa nasabing insidente upang mabatid kung ang detenido ay nagbigti o sadyang binigti sa loob ng selda. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMONWEALTH AVE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

ERNIE RIOLA

JAY CAPULONG

QUEZON CITY

ROY NATIVIDAD

RUDY ANDAL

VICTOR LUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with