^

Metro

Buntis pinatay sa bugbog

-
Hinihinalang binugbog hanggang sa mamatay ang isang 7-buwang buntis na babae matapos na matagpuan ang bangkay nito sa kanyang inuupahang bahay ng kanyang ka-live-in, kamakalawa sa Pasig City.

Nakilala ang biktima na si Maribel Nueva, 21, residente ng #1156 San Agustin st., Bolante 2, Bgy. Palatiw, ng lungsod na ito.

Isinailalim naman sa interogasyon ang kanyang kinakasamang si Jimmy Catundoy, 45, technician, ng Spring st., Summerhomes, Bgy. Concepcion, Marikina City. Ito umano ang nakatagpo sa bangkay ng biktima dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Sa ulat ng pulisya, binibisita lamang ni Catundoy ang biktima isang beses lamang sa isang linggo dahil sa iligal na relasyon ng dalawa dahil sa pagkakaroon ng ibang pamilya ng lalaki.

Ayon kay Catundoy, nagtungo umano siya sa inuupahan nilang apartment dakong madaling-araw at nagulat nang makitang magulo ang buong kabahayan at nakabulagta ang biktima sa gitna ng sala.

Matapos na makumpirmang patay na si Nueva, agad umano siyang tumawag ng responde sa pulisya na agad namang dumating.

Ayon sa imbestigasyon, binugbog muna ang biktima hanggang sa mamatay dahil sa pag-agos ng dugo sa bibig nito. Nagtataka rin sila sa pagdalaw ni Catundoy ng madaling-araw na kaya isinailalim din ito sa imbestigasyon.

Hindi naman inaalis ng pulisya ang posibilidad na ninakawan ang apartment at nakita ito ng biktima kaya ito pinatay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BGY

BIKTIMA

CATUNDOY

DANILO GARCIA

JIMMY CATUNDOY

MARIBEL NUEVA

MARIKINA CITY

PASIG CITY

SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with