^

Metro

Obrero tinodas dahil masamang tumitig

-
Dahil lamang sa pagtitig, isang obrero ang nasawi matapos itong undayan ng saksak ng isang lalaki na minasama ang ginawa dito sa loob ng isang restaurant kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Makati.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Romy Romero, 44, may asawa, ng KKK Talipapa, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek at pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa Sawali, Ihaw-Ihaw Restaurant sa Sgt. F. Yabut st., Bgy. Guadalupe Nuevo.

Ayon sa ilang saksi, hindi sinasadyang natitigan ng biktima ang suspek.

Minasama ito ng suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sila ng biktima.

Kinuha ng suspek sa bulsa nito ang nakatagong balisong at inundayan ng saksak ang naturang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BGY

BINAWIAN

DAHIL

GUADALUPE NUEVO

IHAW-IHAW RESTAURANT

KINUHA

LORDETH BONILLA

MAKATI

ROMY ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with