^

Metro

Binata inutas ng karibal dahil sa nililiyag na babae

-
Para masolo ang babaeng nililiyag, sinaksak sa leeg at nasawi ang isang 29-anyos na lalaki na karibal nito sa pag-ibig kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Quezon City General Hospital (QCGH) sanhi ng tinamong isang saksak ang biktimang si Allan Gigante ng Sitio Solar Riverside Ugong, Valenzuela City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-12:05 ng madaling-araw habang naglalakad ang biktima kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na sina Jose Daygo at Ronald de Leon buhat sa nililigawan nito sa kahabaan ng Bagong Baryo nang bigla na lamang sumulpot ang suspek na si Peter Ditao ng Milagrosa ext. ng nasabing lungsod.

Bigla na lamang umanong bumunot ng patalim ang suspek at saka sinaksak sa leeg ang biktima at mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, ang suspek umano ay manliligaw din sa babaeng dinidiskartehan ng biktima kong kayat nagselos ang una. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALLAN GIGANTE

AYON

BAGONG BARYO

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

JOSE DAYGO

PETER DITAO

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

SITIO SOLAR RIVERSIDE UGONG

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with