^

Metro

Lalaki na papasok ng burger store binoga ng sekyu, todas

-
Isang lalaki ang binaril at napatay ng isang security guard sa tapat ng isang burger store matapos sitahin ng huli ang una dahil sa nakayapak ito kahapon ng madaling araw sa EDSA, Quezon City.

Kinilala ni Superintendent Benjardi Mantele, CPD-station 10 chief ang biktima na si Ferdinand Florentino, nasa hustong gulang at nakatira sa Kamuning, QC.

Ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ay nakilalang si Orianco Tabag, security guard ng Wendy’s hamburger store.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:45 ng madaling araw kahapon ng sitahin umano ng guwardiya ang biktima habang papasok sa naturang food chain dahil sa wala itong tsinelas.

Nagalit umano ang biktima sa ginawang paninita ng suspek sa kanya hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa pagbunot ng baril ni Tabag saka pinaputukan sa dibdib ang biktima. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

FERDINAND FLORENTINO

ISANG

KAMUNING

KINILALA

NAGALIT

ORIANCO TABAG

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SUPERINTENDENT BENJARDI MANTELE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with