^

Metro

Dengue hot spots

-
Umabot na sa kabuuang 5,090 ang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon, pero nababahala naman ang kagawaran sa pagkakatuklas ng ilang bagong hot spot ng dengue sa ilang lugar sa Maynila.

Sinabi ni Health Secretary Alberto Romualdez Jr. na ilang kalye sa distrito ng Sta. Cruz ang siyang dineklarang hot spot at ito ay ang M. Hizon, Antipolo at Elias sts., kung saan ay siksikan ang mga bahay.

Minungkahi ni Romualdez na dapat na makipagtulungan ang local government unit sa Maynila upang maagapan ang pagkakauwi sa outbreak ng dineklarang dengue hot spots.

Sa kasalukuyan ay mayroong naitalang 1,474 na kaso ito sa NCR; Central Luzon, 410; Nueva Ecija, 828; Cebu, 640; Bulacan, 227; at Cagayan, 212.

Iniulat ng DOH na 48 porsyento ng mga biktima ng dengue ay pawang nasa edad isa hanggang siyam na taong gulang. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

BULACAN

CEBU

CENTRAL LUZON

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

ELIAS

HEALTH SECRETARY ALBERTO ROMUALDEZ JR.

MAYNILA

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with