^

Metro

Empleada, hinoldap bago ginulpi ng 3 sekyu

-
Isang 29 anyos na empleada ang hinoldap bago pinagtulungang gulpihin at tangkang pagsamantalahan ng tatlong security guard na naganap sa Salcedo St., Legaspi Village, Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Inspector Angelita Alvarico, hepe ng Women’s Desk ang biktima na itinago sa pangalang Alexis, dalaga, residente sa Unit III6 Cityland 8 Condominium #98 Gil Puyat Avenue ng nasabing lungsod.

Samantala, ang mga suspect ay pinaghahanap pa ng pulisya makaraang magsitakas matapos na holdapin, gulpihin at pagtangkaang halayin ang biktima dakong ala-1:45 ng madaling araw sa Torre de Salcedo ng nasabing lugar.

Nabatid na nakuha ng imbestigador ang dalawang pangalan ng on-duty-officers sa gusali na pinangyarihan na sina Jereby Feren at Noel Tayag na kapwa security guards ng Anami Security and Investigative Services, Inc.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Evangeline Babor, may hawak ng kaso, nilapitan siya ng tatlong lalaki na hindi nito nakikilala sabay hablot sa hawak na Nokia 3210 cellphone. Pinahubad din sa biktima ang mga suot nitong alahas bago siya binugbog at pinagtangkang gahasain.

Nagawang makatakas ng biktima sa kamay ng tatlong kalalakihan at kaagad na nagsumbong ito sa mga awtoridad na nagsagawa ng responde sa nasabing lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEXIS

ANAMI SECURITY AND INVESTIGATIVE SERVICES

CHIEF INSPECTOR ANGELITA ALVARICO

EVANGELINE BABOR

GIL PUYAT AVENUE

JEREBY FEREN

LEGASPI VILLAGE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NOEL TAYAG

SALCEDO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with