^

Probinsiya

4 holdaper bulagta sa shootout

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines - Kamatayan ang sinapit ng apat na holdaper na lulan ng dalawang motorsiklo makaraang makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Barangay San Roque, bayan ng Guimba, Nueva Ecija noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang tatlo sa apat na napatay na sina Ronald Fermin, Dodie Fermin, Freddie Villa­nueva at isang hindi pa kilala.

Base sa police report, naka­tanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Guimba na may apat na armadong kalalakihan ang lulan ng dalawang motorsiklo.

Kaagad na naglatag ng checkpoint ang mga pulis sa Barangay Tampac 1 habang inalerto naman ang Police Public Safety Command na ilang metro lang ang layo sa nasabing lugar.

Gayunman, ilang minuto ang nakalipas ay namataan ang dalawang motorsiklo kung saan tinangkang harangin ng mga pulis subalit tumakas hanggang sa maganap ang matinding bakbakan at napatay ang apat.

Narekober naman ang isang cal. 38 revolver, shotgun, mga bala ng matataas na kalibre ng baril, 4 plastic sachet ng shabu, isang botelya ng crystaline substance, at isang Granada.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with