^

Metro

Swimming coach, pumalag sa holdap, kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang lala­king swimming coach makaraang barilin sa katawan ng isa sa dala­wang holdaper nang pu­malag ang una sa mga salarin, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Nakaratay ngayon  sa Chinese General Hospital ang biktimang nakilalang si Rommel Solita, 52, at residente ng Brgy. Taniong, ng naturang lungsod.

Sa ulat, nakatayo ang biktima sa tapat ng isang vulcanizing shop sa may C4 Road malapit sa Pampano Street, Brgy. Longos at naghihintay para ma­paayos ang kanyang flat na motorsiklo dakong alas-2:30 ng hapon nang sumulpot ang dalawang salarin at pilit na inagaw ang kanyang belt bag na naglalaman ng pera, cellular phone at iba pang personal na gamit.

Pumalag naman ang biktima kaya binaril siya ng isa sa mga salarin ngunit hindi pa rin nabi­tawan ang bag kaya nagpasyang tumakas na ang mga suspect.  Nagawa pa namang mamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at makauwi ng bahay kung saan siya sinaklolohan ng anak at isinugod sa pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang dalawang holdaper.

 

vuukle comment

ROMMEL SOLITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with