^

Metro

3 todas, 1 kritikal sa Cara y Cruz

Rey Galupo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong katao ang na­sawi habang isa ang nasa kritikal na kondis­yon matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Senior Ins-pector Ilustre Mendoza, city assistant chief of police for ope­ration ang mga biktima na sina Joseph Santiago, 32; Recon Tizon, 37; at Rainier Oliver Naranja, 36, pawang construction workers at residente ng Package 4, Brgy.176, Ba­gong Silang at isang lala­ki na nakasuot ng short pants na may tattoo na Joey sa kaliwang braso.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling araw ay naglalaro ang apat ng cara y cruz sa harap ng isang tindahan sa Package 4 nang biglang su­mulpot ang mga suspek  at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

Namatay noon din sina Tizon at Naranja habang si Santiago at hindi pa kilalang biktima ay dinala sa Dr.Jose Rodriguez na kung saan idineklarang dead-on-arrival ang huli habang si Santiago ay nasa kritikal na kalagayan.

Narekober sa lugar ang walong basyo ng kalibre 45.

Inaalam pa ang background at mga aktibidades ng mga biktima upang madetermina ang motibo ng pamamaril sa kanila

vuukle comment

KRITIKAL SA CARA Y CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with