^

Pang Movies

Aicelle ‘di makapaniwalang umabot sa anim na buwan ang relasyon kay Mark

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Aicelle �di makapaniwalang umabot sa anim na buwan ang relasyon kay Mark
Aicelle Santo at Mark Zambrano

Hindi makapaniwala ang Kapuso singer at Traffic Diva na si Aicelle Santos na umabot na ng six months ang relasyon nila ng GMA news correspondent na si Mark Zambrano.

Sa kanilang Instagram accounts ay nagpalitan ng mga matatamis na mensahe and dalawa bilang pag-celebrate nila ng kanilang ika-anim na monthsary.

Pinost ni Aicelle ang isang photo nila ni Mark kunsaan karga-karga niya ito noong minsang magbakasyon sila sa isang beach resort.

Message ni Aicelle: “Crazy in love with you for six months now! And it’s crazier and sweeter each day! I love you mahal ko @markzambrano! Beach trip soon?”

Pinost naman ni Mark ang photo kunsaan suot ni Aicelle ang nakakatakot na costume na manika na si Annabelle.

“Happy sixth, my silly ‘Annabelle!’ Haha! I’ll love you no matter what you wear! You are one of my greatest blessings! #AiMark6th” caption pa ni Mark.

Naging opisyal nga ang relasyon nina Aicelle at Mark noong nakaraang May 2016 pagkatapos nilang magkakilala sa pamamagitan ng social media.

Nauwi sa ilang dates hanggang sa sagutin na ni Aicelle si Mark.

Four years na hindi nanligaw si Mark dahil nakaranas ito ng matinding heartbreak sa huli niyang girlfriend. Si Aicelle naman ay naging maingat sa mga gustong ligawan siya dahil meron siyang trust issues.

Pero napatunayan naman ni Mark ang kanyang pagmamahal kay Aicelle kaya umabot sila sa kanilang 6th monthsary.

Isa sa mga secondary sponsors ng AlDub wedding si Aicelle noong nakaraang Sabado. Sila ni Jake Ejercito ang nakatoka sa cord na nagtali sa pag-iibigan nin a Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye.

Sunshine ikinumpisal kay Regine ang mga hugot sa buhay

Up to date si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa mga nagaganap sa showbiz kaya alam niya ang pinagdaraanan ngayon ng aktres na si Sunshine Dizon sa personal nitong buhay.

Naging guest ni Regine si Sunshine sa kanyang show na Sarap Diva at pinag-usapan nila ang tungkol sa mga hugot sa buhay. Pinasalamatan ni Regine si Sunshine dahil sa gitna ng kanyang sitwasyon ngayon ay nagawa nitong pagbigyan ang imbitasyon niya na mag-guest.

Nagkaroon ng isang tell-all interview si Regine with Sunshine at napaamin niya ito sa mga itinatago nitong hugot sa kanyang puso.

May ipinadalang touching message si Regine kay Sunshine pagkatapos ng show at at sobra itong na-appreciate ng aktres.

Pinost ito ni Regine sa kanyang Instagram account.

Heto ang message: “Dear Sunshine, Alam ko na may mabigat kang pinagdadaanan sa ngayon. All I can do for you is pray. Thank you for being part of our show.”

Brad Pitt at anak na diumano’y sinaktan, nagkita na

Nagkita na sina Brad Pitt at ang 15-year-old son niyang si Maddox Jolie-Pitt noong nakaraang October 19.

Si Maddox ang napabalitang napagbuhatan diumano ng kamay ni Brad kaya ito ang na­ging dahilan kung bakit nag-file ng divorce ang kanyang asawang si Angelina Jolie.

May kakaharapin na custody battle ang estranged couple dahil gusto ni Angeline na full physical custody siya sa anim nilang anak.

Naging emotional si Brad nang magkita sila ni Maddox dahil huli silang nagkita noong September 14 pa, ang petsa na nagkaroon ng isang insidente sa loob ng private jet.

Nakita na rin ni Brad ang iba pa niyang mga anak na sina Pax, Zahara, Shiloh, Vivienne, and Knox noong nakaraang October 8 naman.

Ayon sa Us Weekly, nag-undergo ng therapy for an entire month ang mga bata bago sila nakipagkita kay Brad.

“He wanted to make sure the meeting would be the most productive for the kids,” ayon pa sa isang source.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with