Umali sa reward vs Ronnie Dayan: Good idea
MANILA, Philippines – Irerekomenda ni House Committee on Justice chair Reynaldo Umali ang pagbibigay ng pabuya sa makaaaresto kay Ronnie Dayan na dating driver ni Sen. Leila de Lima matapos hindi sumipot sa imbestigasyon ng Kamara sa ilegal na droga sa New Bilibid Prison.
Naniniwala si Umali na makatutulong ang pabuya upang mas medaling matunton si Dayan na nagsilbi umanong bagman ni De Lima sa pagkolekta umano ng pera mula sa bentahan ng ilegal na droga sa Bilibid.
Sinabi ni Umali na babanggitin niya kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang pagbibigay ng pabuya.
“Hindi pa namin napag-usapan pero I think it’s (reward) a good idea,” wika ng kinatawan ng Oriental Mindoro.
Nabanggit ni Umali na nag-alok na ang Volunteers Against Crime and Corruption ng P100,000 pabuya laban kay Dayan na kasama sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration.
- Latest