^

Police Metro

Drug pusher inutas ng karnaper

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isa umanong drug pusher nang pagbabarilin ito ng mga suspek para tangayin ang dala nitong motorsiklo sa lugar na bentahan ng shabu kahapon sa bisinidad ng USM Kabacan, North Cotabato.

Ang biktima ay kinilalang si John Carl Alfaro Genabe ng Toril, Davao City habang kinilala ang mga suspek na sina Bryan Aban Palao at Mama Ganoy Guiamandal, 20, ng  Sitio Siento Trienta, Barangay Pedtad, Kabacan.

Batay sa ulat na nakarating kay Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP na bumili umano ng shabu ang biktima sa kakilala nitong si Rene Jeston Maloc Palao na taga Kabacan at magkikita sila sa nasabing lugar para magbayad.

Dumating ang biktima na sakay ng motorsiklo at nakipagtagpo kay Rene nang dumating sa lugar ang mga suspek. Nagka-interes ang mga suspek sa motorsiklo ng biktima at nang tatangayin ay nanlaban ang huli kung kaya’t pinagbabaril ng mga una.

Nang bumagsak ang biktima ay tinangay ng mga suspek ang motorsiklo habang nakatakbo si Rene at nagsumbong sa pulisya.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at naaresto ang dalawang suspek.

vuukle comment

JOHN CARL ALFARO GENABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with