^

Bansa

Criminal liability sa 9-anyos tinutulan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tutol ang ilang senador sa posibilidad na ibaba ?sa 9 na taong gulang ang maaring sampahan ng kasong kriminal na sa kasalukuyan ay nakapako ?sa 15 taong gulang.

Ayon kay Sen. Grace Poe, tutol siya sa panukala lalo pa’t sa ngayon ay isinusulong na ang pagbabalik ng death penalty.

“Lalo na ngayon na itinutulak nila ang death penalty, matitiis ba na­ting makitang patawan ng parehong parusa ang isang 9-anyos na bata katulad ng ipapataw sa mga nakatatanda? O di kaya bitay o habambuhay na pagkakakulong?” ani Poe.

Kinuwestiyon din ni Poe kung anong klaseng lipunan magkakaroon ang bansa kung walang awang paparusahan maging ang mga musmos na hindi pa buo ang pagkaintindi sa mga pinapasukang sitwasyon at napapagsamantalahan lamang ng mga matatandang kriminal.

Hindi rin naniniwala si Poe na mas mature na ang mga bata ngayon dahil lamang sa laganap na ang impormasyon sa social media.

“Hindi totoo na mas mature na ang mga bata ngayon dahil sa laganap na impormasyon sa social media; ako ay may anak na 12 anyos at mga pamangkin. Kahit ginagaya ng bata ang ginagawa ng nakatatanda, pinatutu­nayan lang nito na dapat ang tutok ay sa pag-alaga, ehemplo at gabay sa kanila,” ani Poe.

Mas dapat aniyang patawan ng parusa ang mga magulang kung mapapatunayang nagpabaya sila sa kanilang responsibilidad.    

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with