^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas vs Myanmar sa SEABA opening

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Unang daraan sa palad ng Gilas Pilipinas ang Myanmar sa 2017 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Men’s Basketball Championship na gaganapin sa Mayo 12 hanggang 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Pilipinas at Myanmar sa opening day sa alas-7 ng gabi habang masisilayan din ang banggaan ng Indonesia at Singapore sa alas-3 at ng Malaysia at Thailand sa alas-5.

Sunod na makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Singapore sa Mayo 13 kasunod ang Malaysia sa Mayo 14, Thailand sa Mayo 16, Vietnam sa Mayo 17 at ang Indonesia sa Mayo 18. Lahat ng laro ay gaganapin sa alas-7 ng gabi.

Ang magkakampeon sa SEABA Championship ang bukod-tanging uusad sa FIBA Asia Cup na gaganapin naman sa Beirut, Lebanon sa Agosto 10 hanggang 20.

Hindi gaya ng dati na mga collegiate players at ilang professionals lamang ang inilalaban ng Pilipinas sa SEABA, ipaparada ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pinakamalakas na lineup sa naturang torneo.

Nais ng Gilas Pilipinas coaching staff na masiguro ang kampeonato sa torneo dahil unti-unti nang lumalakas ang ibang koponan sa rehiyon gaya ng Singapore, Indonesia at Thailand na napaulat na magsasama ng naturalized players sa kanilang lineup.

Pangungunahan ang Gilas Pilipinas nina reigning PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Asia’s best point guard Jayson Castro.

vuukle comment

SEABA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with