^

Bansa

Alvarez: Leni ‘impeach’ din!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Maghahain din ng impeachment complaint si House Speaker Pantaleon Alvarez laban kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Alvarez sa panayam sa kanya sa CNN Philippines, pinag-aaralan na niya ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo kung saan kabilang sa mga grounds nito ang betrayal of public trust dahil sa pagpapadala ng video message sa United Nations (UN) na kumokondena sa war on drugs ng Duterte administration.

Paliwanag ni Alvarez, nagbigay ng masamang imahe ang Bise Presidente sa international community na maitutu­ring na seryosong epekto sa ekonomiya ng bansa.

Kinuwestyon din ni Speaker ang pagiging lehitimo ng posisyon ni Rob­redo dahil sa kinakaharap niyang election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos na nawalan umano ng boto na 200,000.

“Kung ikaw, ipagpapalagay nating totoo ang pagkakahalal, sisiraan mo ang bayan sa international community nang walang pakundangan, ano ang magiging epekto nun?”

“Pinipinta niya ang ba­yan natin na hindi maganda sa mata ng international community,” ayon pa kay Alvarez sa panayam ng CNN Philippines.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na umano ni Alvarez ang paghahain ng impeachment complaint para masigurong tatayo ang kaso kapag nagsi­mula na ang trials dito.

“Pinag-aaralan natin. Hindi naman ako sulong ng sulong. I have to make sure it can start trial,” sinabi pa ni Speaker.

Magugunita na una nang naghain ng impeachment complaint si Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte dahilan sa umano’y vigilante killings ng Davao Death Squad at ang extra judicial killings sa gitna ng war on drug ng administrasyon gayundin ang umano’y P2.2 bilyong hidden wealth niya.

Inakusahan naman ni Alvarez si Robredo na nasa likod ng reklamo laban sa Pangulo dahil na rin sa pagpapadala niya ng mensahe sa UN kung saan inaakusahan niya ang administrasyon ng “palit ulo” sa mga pamilya ng mga inaakusahang drug personalities.

Naniniwala si Alvarez na ginagawa ito ni Robredo dahil alam umano nito na hindi talaga siya nanalo bilang pangalawang pa­ngulo at baka pag binilang ang resulta ng botohan sa nakalipas na eleksyon ay hindi mag-tally ang boto nito sa lumabas na bilang sa canvassing.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with