^

Pang Movies

Maine at Alden walang tulugan sa taping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagpaka-professional sina Maine Mendoza at Alden Richards kahapon sa Eat Bulaga na halos wala pang tulog dahil umaga na natapos ang taping nila ng Destined To Be Yours pero maaga pa silang nag-report sa Broadway.

Namigay sila ng maraming pera, ten thousand pesos sa bawat Team Bahay na nanonood sa Eat Bulaga na magpu-post sa kanilang Facebook ng picture nila kung nasaan sila na ipinadala sa show.

Kahanga-hanga si Baeby Baste na tinaguriang Concert Prince dahil kaya pala niyang kumanta nang walang teleprompter dahil kabisado niya ang lyrics ng mga kinakanta niya araw-araw. 

Samantala, nagawang magkita nina Maine at Secretary Meng (na si Maine rin) with BaeTanod Alden sa Broadway studio nang doon pumunta si Secretary sa Barangay Day na organized nina Kap Jose (Manalo), Tanod Paolo (Ballesteros) at Tanod Oxo (Wally Bayola). Sa naturang segment ay nagsayaw sina Secretary at BaeTanod. 

Maya-maya lang ay nawala si Secretary at ang nakasayaw na ni BaeTanod ay si Maine na.  Nang hanapin ni Tito Sen sina Alden at Maine, dahil gusto niyang magharap silang apat, nakita sila sa TV na pinapanood nila sina Secretary at Bae Tanod, kaya mukhang natakot daw si Maine na magpakita kay Secretary. 

LJ ayaw pang pakasalan si Paolo

Kahit napag-uusapan na rin ng mag-sweetheart na sina LJ Reyes at Paolo Contis ang pagpapakasal, hindi pa rin daw pwede dahil may inaayos pa si Paolo sa first wedding niya dahil hindi pa siya annulled. 

Ayon naman kay LJ, hindi pa raw siya ready na magpakasal ngayon kahit gusto niyang lumaki ang anak na si Aki sa isang buong family.  Ayaw daw nilang magmadali ni Paolo, gusto muna nilang maayos ang lahat at mas stable na sila.

Kaya focus muna si LJ sa afternoon prime drama niyang Pinulot Ka Lang Sa Lupa with Julie Anne San Jose, Jean Garcia, Benjamin Alves, Martin del Rosario, na dinidirek ni Ms. Gina Alajar.

Natawa si LJ nang tanungin kung nakatikim na siya ng sampal ni Ms. Jean Garcia.

Nakakatawa nga raw dahil siya ang kontrabida, pero siya ang nasasampal kaya nagalit daw siya nang makatikim din siya ng sampal kay Jean. 

 

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with