^

PSN Showbiz

Maine laglag, Alden may solo concert!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang concert ni Alden Richards sa May 27 sa Kia Theater pala ang pinagmitingan ng aktor kasama ang ilang taga-GMA Records at GMA Artist Center.

Upsurge ang title nito at Kia Theater ang venue.

Aligaga na ang fans ni Alden sa pagtatanong kung kailan mari-release ang ticket at kung magkano ang prices para makapaghanda sila at makabili na.

Ang wish naman ng ibang fans, mag-guest si Maine Mendoza and if ever, first time silang mapapanood na hindi umaarte gaya nang ginagawa nila sa Meant To Be.

Maraming aabangan kay Alden, lalabas din siya sa Lenten presentation ng Eat Bulaga at sa nakita naming picture, tila mentally challenged ang role niya. Magkasama sila ni Ryan Agoncillo sa episode sa direction ni Bb. Joyce Bernal.

Jean hindi natuloy kay Jomari

Tsinek namin ang mga palad ni Jean Garcia, mali­liit naman, pero fatal kung manampal. Ang tagal naalis ang pamumula ng pisngi ni Julie Anne San Jose na kanyang sinampal sa isang eksena sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa. 

May consent ni Julie Anne ang totohanang pana­nampal ni Jean sa kanya, kaya walang isyu sa dala­wa. Sabi pa ni Jean, natural na mapula ang pisngi ni Julie Anne na lalo pang namula pagkatapos niyang sampalin.

Pinuri ni Jean si Julie Anne, mahusay daw ito, mabilis at magaling umiyak. Pati ang buong cast ay pinuri si Julie Anne dahil dedicated ito sa trabaho, professional.

Samantala, nagsasabi naman pala ng totoo si Jean na wala silang relasyon ni Jomari Yllana at magkaibigan lang dahil inilabas na ni Jomari ang girlfriend na tila Joy ang pangalan.

Si Jean naman, zero pa rin ang love life, priority niya ngayon ang trabaho at focus sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa at sa gagawing bagong pelikula.

Gabby umayaw na rin sa concert ni Sharon

Mukhang pati ang paggi-guest ni Gabby Concepcion sa US Tour ni Sharon Cuneta ay apektado sakaling hindi matuloy ang reunion movie nila. Ang tsika, pumayag na si Gabby na three songs sa US Tour ni Sharon.

Nababasa namin ang comment ng kanilang fans na talagang disappointed sa nangyari. Twenty-five years daw nilang hinintay ang Sharon-Gabby movie, tapos mabubulilyaso lang pala.

Hindi na raw nila kayang maghintay pa ng another 25 years para mapanood sa pelikula ang dalawa.

Sa taping lang ng Ika-6 Na Utos at Tsuperhero makikita at makakausap ng press people si Gabby, pero wala silang makukuhang sagot ‘pag tungkol sa movie nila ni Sharon ang itatanong.

Bukas na pala ang mall show nina Gabby, Ryza Cenon, Mike Tan, Rich Asuncion at Sunshine Dizon, 5pm., sa SM Center Muntinlupa.

Aljur binigyan pa rin ng work kahit lalayas na

Binibigyan pa rin ng trabaho ng GMA Artist Center at GMA Network si Aljur Abrenica kahit may balitang up to this month na lang ang kontrata niya sa network at magbababu na ito.

Sina Aljur at Andrea Torres ang ipinadala ng GMAAC sa opening ng Miniso sa Trece Martires, Cavite. Ang hintayin natin ay ang pagpasok ng April at malalaman na kung totoong aalis na sa Kapuso Network ang aktor para lumipat ng ibang network.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with