^

PSN Opinyon

Diktador ba si Duterte?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko siyento-porsyentong inaayunan ang estilo ng pamamahala ni Presidente Duterte, pero naniniwala akong hindi siya isang diktador. Marahas siya kung sa marahas. Matalim ang lengguaheng ginagamit. Ngunit hindi siya magiging isang leader na pananatilihin ang sarili sa tungkulin nang kasing-tagal ni Marcos.

Maraming pumupuna sa dictatorial tendencies umano ni Duterte. Kasama rito si dating CBCP president at Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz. Aniya, hindi raw maiiwasang ikumpara si Duterte sa isang “diktador” sa desisyon nitong putulin ang relasyon sa Amerika lalo na sa usaping ekonomiya at suportang militar.

Anang Arsobispo, dapat munang ikonsulta ni  Duterte ang mga pahayag nito sa hudikatura at lehislatura sa pagkalas nito sa Amerika at paboran ang China. Kung talagang diktador siya, antimano ay aayunan na ng mga opisyal ng gabinete ang pahayag ng Pangulo, pero hindi­. Hindi magkantututo si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay kung paano itutuwid ang pahayag ni Duterte sa pagsasabing hindi ito lubusang pagputol sa relasyon ng Pilipinas sa United States. Padalus-dalos. Hindi siya nag­didikta kundi hindi lang talaga marendahan ang bu­nga­nga. Kasi kung pagdidikta yon, dapat sana sinabon­ na si Yasay at yung ibang bumabago sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag.

Sa halip na kagalitan eh, sinasakyan niya ang mga pahayag. Hindi nga ba sinabi niya na mananatili ang di­plo­matic relations ng Pilipinas sa Amerika kahit pa nag­deklara ng pakikipagkaibigan sa China? May mga tra­tado­ kasi ang Pilipinas at US na hindi puwedeng baliin sa isang salita lang ng Pangulo.

Pero sinabi rin ng dating CBCP president na siya man ay sawa na sa presensiya ng Estados Unidos pati na sa pagtatayo nito ng mga base militar na umaabot na sa lima ngunit pinangangambahan nito na maaring ikapahamak ng bansa ang desisyon lalo sa girian ng US at China.

Ayon sa pandaigdigang survey ng WIN/Gallup­ Inter­national para sa taong 2013, ang US ang tini­tingnan ng mga mamamayan ng mundo bilang “pinakamalaking banta sa kapayapaan ng mundo.

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with