78 kawani ng towing firm na adik sa droga, sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Impounding/Inspectorate Division ang 78 kawani ng iba’t ibang towing company matapos magpositibo sa mandatory drug test noong buwan ng Hulyo ng nakarang taon at nitong nakaraang Enero.
Ayon kay Atty. Victor Nuñez na may kabuuang 35 towing companies ang binigyan ng accreditation ng ahensiya na kung saan dito nagtatrabaho ang 78 kawani.
Ang mga nasibak ay otomatiko na ring ban o hindi na pinapayagang pumasok sa mga impounding area ng MMDA at hindi na rin umano maaaring tanggapin ng MMDA.
- Latest