^

PSN Showbiz

Kris pahinga muna sa kulay dilaw para magka-career?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kris pahinga muna sa kulay dilaw para magka-career?!
Kris

MANILA, Philippines – True kayang magpapalit muna ng favorite color si Kris Aquino? Yup, pahinga raw muna ito sa kulay dilaw para mapalapit kay Kuya Rody (Duterte). Ka-join daw ito sa isang special project ng isang grupo na malapit sa pangulo. At wala raw talent fee si Kris sa advocacy project na ito.

Ang say ng source, baka sakaling lumambot ang mga network sa kanya (Kris) na parang natatakot daw ma-identify sa dating presidential sister bilang kailangan palang mag-renew ng franchise ng ABS-CBN at GMA 7 sa Congress. Kaya siyempre raw, baka may takot factor ang mga network na bigyan ng trabaho si Kris dahil nga iba na ang mga namumuno ngayon.

Bukod pa ‘yun sa isyu na naharang umano ang pagpasok ni Kris sa APT Entertainment ni Mr. Romy Jalosjos na isa sa mga may-ari ng APT na nakarelasyon noon ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca pero hindi ama ng anak ni Maricel Soriano. Ang pulitikong si Mr. Cesar Jalosjos ang nabanggit noon na tatay ng anak ni Maricel na si Sebastien.

AiAi nagbilad ng kaluluwa!

Dream role para kay AiAi Delas Alas ang pagiging laos na pokpok sa pelikulang Area mula sa direksyon ni Louie Ignacio na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Kaya hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang proyekto nang i-offer ito. Todo preparasyon at paghahanda ang kanyang ginawa. Nagpapayat siya ng husto, nagpa-agua oxenada ng buhok at humaharap sa kamera na walang make up.

“Unang-unang inalis ko sa akin iyong pagpapaganda, kailangan magmukha akong tuyot, dugyot at madumi sa pelikula. Dahil diyan natutunan ko na hindi maging conscious sa pag-arte at itsura ko. Keber kung lumabas ang mga peligis ko at mga sign of ageing. Sabi nga ni Direk Louie, iyong realismo ang gusto niyang makita. Nag-immersion kasi kami bago nagsimulang mag-shooting, pinag-aralan ko ‘yung karakter ni Hillary na pinagbasehan sa kuwento,” sabi ng komedyana sa role na seryoso naman.
As in nagbuyangyang si AiAi sa pelikula. May ‘bizzare’ scene’ na nakipagtalik siya sa siamese twins na sardinas ang bayad sa kanya, may eksena na naliligo siya na naka-panty lang, may laplapan scene sila ni Allen Dizon na maraming nakapansin sa malusog niyang dibdib dahil sa manipis na suot na damit at may eksena na parang tina-trabaho niya ang isang matandang lalaki (played by Frank Guinto) na ang bayad sa kanya ay electric fan.

“Matindi ang mga ginawa ko bilang parte ng aktingan at karakter ko. Siyempre mag-iinarte pa ba ako eh ang mga kasama ko na mga pokpok sa kuwento ay walang kiyeme. Pero di ko naman kaya yung ginawa ni Ireen Cervantes na “shave” in full frontal nudity habang may pumping at si Sue Prado na ilang beses nagpasilip ng kanyang malulusog na boobey. Si Sarah Brakinsiek alyas “Taba” ay nag-topless na walang takot sa eksenang naliligo. Si Tabs Sumulong bumukaka ng todo sa eksena na vaginal check up. Naku, tinodo namin lahat sa Area  for the sake of  art,” natatawang pahayag ng  comedy queen.

Para sa kanya hindi makatarungan ang sitwasyon na kinalulugmukan nila. Kaya sa tuwing may shooting, nagpapaluto siya para magpakain sa mga tao dun. Kaya gustong-gusto nila na andun si AiAi na walang ka-reklamo-reklamo sa lokasyon ng shooting.

“Hindi lang ako sa mga babaing nagta-trabaho sa Area naaawa kundi lalo na sa mga inosenteng anak nila na mulat na sa ganung kalakaran. Kung may pagpipilian lang sila. Sabagay may awa ang Diyos. Sana may magawa ang gobyerno natin. Think positive na lang kagaya ng ending ng karakter ko sa Area,” dagdag ni AiAi.

Mapapanuod ang Area sa November 9 mula sa panulat ni Robby Tantingco mula sa BG Productions International. Nanalo na ito ng Special Jury Prized sa 12th Eurasia International Film Festival na ginanap sa Kazakhstan. Official Selection siya sa Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia.                                                                       

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with