^

Kutob

Pebrero 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang plano ng Manlilikha ko ang mananaig sa buhay ko. Maganap nawa ayon sa kalooban niya.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging maganda ang panahon kung iiwasan na masangkot sa hindi pagkakaunawaan. Isang nilalang na may lihim na pagtingin ang matutuklasan. Ang magtanim ng hinanakit sa kapwa ay dapat iwasan. Panahon ng pagpatawad sa nagkasala at paghingi ng tawad kung inaakalang may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 35 at Aquamarine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pakikipagtalo ay walang ibang pupuntahan kundi suliranin kaya dapat iwasan ito. Ihanda ang kalooban sa maaaring maganap. Maswerte ang negosyo subalit hindi sa relasyon. Magplano o pag-aralan ang gagawin upang hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 39, 41 at Indigo.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ipokus ang pansin sa maaaring pagkakitaan at hindi sa walang kabuluhang bagay. Maaaring hindi maging maganda ang pagdalaw sa kamag-anak, kaibigan o kapitbahay. Ipagpaliban ang binabalak na pamamasyal o paglilibang. Kung may suliranin sa pera, maisasaayos ng walang hadlang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 31, 40 at Jade Green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Isang surpresa ang naghihintay sa araw na ito. Maligaya at makulay ang romansa na maaaring mauwi sa kasalan. Makapagbibigay ng karagdagang kita ang sideline. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 14, 31 at Strawberry Red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang naiisip na gawain ay huwag ipagpabukas. Ang kutob ay magkakatotoo. Ilagay sa ginagawa ang buong konsentrasyon para maiwasan ang sakuna o pagkakamali. Pabor ang paglalakbay kung sa negosyo ang pakay. Walang magandang idudulot ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 38, 41 at White.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Ang panahon ay umaayon sa pagtuklas ng mga bagay na makakatulong sa trabaho o sarili. Maging bukas sa mga bagay na makakabuti. Iwasan ang mga bagay na masama. Ang samahang pagkakaibigan ay may pagkakataon na mauwi sa pag-iibigan. Ang negos­yo ay magiging maunlad. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 33 at Ivory White.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Pag-aralan ng mabuti ang mga detalye bago pumalaot. Maaaring maging katangi-tangi ang tulong ng isang kaibigan. Posible ang isang hindi inaasahan na magandang mangyari. May dulot na hindi malilimutang karanasan kung makakadalo sa sosyal na okasyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 32, 36 at Purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Madali kang mabighani sa mga magagandang bagay o pananalita. Maisa­saayos ng kamag-anak ang problema tungkol sa salapi. May suwerte ang negosyo. Katapatan ang hinahangad ng iniibig. Lucky numbers at color for the day ang 16, 21, 33, 37 at Yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging masigla ang paggawa o mga nakakahiligang palaro. Subalit ang matinding kaligayahan o kalungkutan ay maaaring maghatid ng hindi maganda sa kalusugan. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraang mga araw sa kasambahay, kaibigan o kasamahan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 12, 35 at Magenta.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang pagbabago o paglaki ng mga gastusin ay makapagpapabago sa takbo ng negosyo. Simulan ang magtipid at mag-impok. Hinahon ang pairalin dahil may mga taong hindi ka maiintindihan o mauunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 10, 20 at Green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maging maunawain kung ang mga kasamahan ay mabagal kumilos. Ang taglay na karisma ay mabisang sandata na magagamit. Matutuklasan ang taong may lihim na paghanga o pag-ibig. May magandang balita o bagay na matatanggap. Ang pagsisikap ay hindi masasayang at magdudulot ng mala­king pakinabangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 21 at Blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Walang magiging balakid sa ibig mangyari. Ang sama ng loob sa minamahal tungkol sa mga bagay sa tahanan ay magkakaroon ng solusyon. Madali kang mauunawaan at anuman ang iutos ay madali kang susundin. Ang pagbibigay ng payo sa kaibigan o kamag-anak tungkol sa pag-ibig o anumang bagay ay magi­ging mabisa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 34, 37 at Jade Green.

 

 

vuukle comment

MANLILIKHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with