PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marso 2, 2012

Pagtitibay: Nagsisimula ang kamalayan sa pagkakaroon ng pakialam sa iyong paligid.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag hayaang masira ang magandang araw dahil sa pang-aasar at kantiyaw. Labanan ang maging magagalitin na hadlang sa matatamong suwerte. Magtatagumpay kung buo ang determinasyon at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at brown.

ARIES (Marso 21- Abril 19) — Magaganap ang nais mangyari maliban sa pera at pag-ibig. Mag-ingat sa usaping pampuso dahil luha at hinanakit ang matatamo. Pag-isipang mabuti bago magdesisyon nang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag tigilan ang panliligaw sa sinusuyo dahil may pag-asa na matamo ang hinahangad. Malaki ang pag-asa sa ibig makamit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Ang hinihintay ay maaalintana dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Matutuloy ang planong bakasyon o piknik kasama ang mga kaibigan o pamilya. Makakakilala ng isang opposite sex na muling makapagpapatibok ng puso. Kilalanin siyang mabuti bago magdesisyon upang hindi mabigong muli. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 19, 36 at gold.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan na magbiyahe ng malayo lalo na kung tawi­ring dagat. Mabuting gugulin ang panahon sa gawaing bahay. Kung pumapasok mula bahay magtuloy-tuloy sa pinapasukan nang maiwasan ang hindi magandang pangyayari. Makabubuti ang mamalagi sa loob ng tahanan sa pagsapit ng gabi. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 28, 36 at pearl white.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Pagbabalik tanaw sa nakaraan ang pagtutuunan ng pansin at makikita kung saan nagkamali. Sa pana­nalapi magiging matumal ang dating subalit babawi sa darating na araw. Iwasan na magpautang at umutang dahil mahihirapan sa pagbabayad. Lucky numbers at color for the day ay 19, 21, 25, 43 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Bigyang pansin ang kalusugan. Kung may nararamdamang hindi natural, magpatingin kaagad sa doctor upang hindi lumala. May desisyon na gagawin, ibayong pag-aaral ang gawin upang hindi magkamali at magsisi. Walang problema sa romansa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 40 at light yellow.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magkakaroon ng pagbabago sa larangan ng trabaho. Mangangamba at lalo pang titibay ang pagsasama ninyo ng minamahal. Magiging masaya ang maghapon. Pag-ingatan ang kalusugan dahil madali kang kapitan ng sipon at ubo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 29, 42 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Matatagpuan ang mahalagang bagay na matagal nang nawala. Kilalanin ang taong laging kasama dahil may ugaling ahas na gusto kang tuklawin. Mag-ingat at may nag-iisip ng hindi maganda sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 at dark blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Simulan ang pananaw na positibo upang maging positibo ang resulta ng ginagawa o gagawin. May magmamagandang loob na siyang makakatulong sa suliranin o kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 35, 36, at purple.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Magiging abala sa paglilinis sa loob at labas ng tahanan, opisina o pinapasukan. Kasiyahan o kalungkutan ang madarama sa maaaring maganap. Iwasan ang paanyaya sa bandang hapon o gabi. Makakabuti ang magpahinga ng maaga. Lucky numbers at color for the day ay 20, 28, 31, 37 at turquoise.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Mahahanapan ng solusyon ang problemang pinansyal kung pagsisikapan. Isang kaibigan o kamag-anak ang may hawak ng solusyon sa suliranin. Makakatanggap ng balita o liham galing sa dating kasuyo, matalik na kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at white.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: