PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Agosto 21, 2006

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) - Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa gagawin o pagdedesisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo nang maayos at mabilis kung iiwasang makipagtsismisan. Ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga magulang, anak o sarili ay bigyang pansin at panahon lalo na kung may karamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnelian red.


VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) -
Iwasang mangako at baka hindi kayang tuparin dahil magkakaroon ng sagabal. Ang usapan ay salamin ng pagkatao at dapat na hindi masira o sirain. Mapalad na transaksiyon ang darating at hindi dapat mapabayaan. Walang magiging dahilan o problema upang magkaroon ng abala sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green.


LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) -
Iwasang maging matampuhin dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin at sarili ang pinaparusahan. Kung taimtim ang panalangin ay mapapawi ang suliranin at panatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payo ng nagmamahal, magulang o kaibigan kaya dapat sundin. Lucky numbers at color for the day ang 6,10,15, 32 at avocado green.


SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) -
Dalawa ang mukha ng payo, may nakakabuti at may nakasasama. Suriing mabuti bago magpahalaga ng payo. Sikaping mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan at maging sa pinapasukan. Iwasang magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.


SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) -
Ang pagtitiyaga at pagsisikap ay naging matagumpay at ngayon magsisimula sa pagpitas ng matamis na bunga. Sa mga walang tiyaga at tamad, hikahos pa rin ang daranasin. Kung hangad umunlad, mag-simulang magbago. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at ruby red.


CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) -
Magpasensiya dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubiling ipakita ang kakayahan dahil kailangan. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at lavander.


AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) -
Makulay at maaliwalas ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasang magalit, mag-init ang ulo at tamarin. Kaunting panahon na lamang at makakamit na ang hinahangad kung tutuloy ang magandang gawi at gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuschia.


PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) -
Iwasang maging malikot ang isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Disiplina sa sarili ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang makamundong pagnanasa na madaling mahikayat. Sa mga lalake, magiging malakas ang masculine desire at kung walang disiplina ay mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.


ARIES (Mar. 21 - Abr. 19) -
Makakatanggap ng magandang balita mula sa koreo, tawag sa telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig kaya huwag hayaang mawala ito. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay dahil negatibo ang resulta. Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at violet.


TAURUS (Abr. 20 - May. 20) -
Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal kundi sa gawa, respeto at unawa. Sikaping matupad ang pangako sa minamahal dahil magtatampo kung hindi matutupad. Mapapasa-kamay ang hangad sa pag-ibig kung taos-puso at malinis ang pakay at magtatapat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.


GEMINI (May. 21 - Hun. 21) -
Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad ay maaaring hindi makapasok sa pinapasukan o walang magawang trabaho. Kung makapagtrabaho, magiging maikli ang pasensiya at magiging mainitin ang ulo. Disiplina sa sarili, hinahon at pasensiya ang kailangan upang malayo sa disgrasya o mapaaway. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at brown.


CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) -
Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o pakikipagtsismisan. Maraming makabuluhang bagay ang naghihintay na dapat gawin. Kaligayahan ang madarama sa matatapos na mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: