PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pebrero 2, 2004

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Hindi makabubuting pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi makapag-iisip ng magandang solusyon. Alalahaning laging nakasuporta ang minamahal kaya walang dapat ipangamba. Gulo ang mangyayari kung idadaan sa dahas ang gusto. Lucky numbers at color of the day ang 6-25-38-42 at fuschia.


PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan upang tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color of the day ang 16-27-35-41 at magenta.


ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Marami ang nakapuna sa pagbabago ng iyong ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte dahil baka bawiin ito kung ipaiiral ang kasamaan ng ugali. Magpakumbaba. Alalahaning laging nakasuporta ang minamahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color of the day ang 6-15-26-41 at pink.


TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema. Ang panlalamig ng minamahal ay sariling kasalanan. Hanapin ang paraan upang mapanumbalik ang dating tamis at init ng pagmamahal kung ayaw na ma-broken heart. Lucky numbers at color of the day ang 1-9-29-40 at lavender.


GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Magpakahinahon at magpasensya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang sumulpot mula sa kasamahan o sa tahanan. Lalong lalala ang di-pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasang makapagsalita na ikasasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 5-19-22-41 at yellow.


CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Magiging makulay at masaya ang relasyon nang hindi kailangang mag-aksaya ng pera sa marangyang okasyon. Sa simpleng pagpapakita ng pagkalinga, malaking kaligayahan ang maidudulot sa minamahal. Lucky numbers at color of the day ang 24-27-33-39 at green.


LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit ng oportunidad at kaibigan. Tanggihan at hindi panay tanggap sa alok na labag sa kalooban. Sa pag-ibig, isang may inisyal na A o M ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng kanyang saloobin sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 7-20-37-39 at orange.


VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Ang gawaing mental ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing pisikal dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makatutulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-16-33 at indigo.


LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresolba. Malaki ang pasalamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maaaring magkaroong muli ng ibang problema ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 17-24-31-38 at violet.


SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Huwag palawakin ang alitan sa pagitan ng minamahal upang hindi mauwi sa walang imikan at matagal na tampuhan. Kailangang paminsan-minsan ay magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o pagsasawalang-kibo. Lucky numbers at color of the day ang 8-26-38-42 at ocean blue.


SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Magpakatotoo at ipakita ang tunay na ugali at tiyak na lalo madaragdagan ang hahanga sa iyo. Ang katangiang maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking kredito sa binabalak. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-25-36 at beige.


CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Iwasang magdamdam kung sakaling hindi matupad ang ipinangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig. Makinig sa katwiran ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 2-4-33-41 at golden brown.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: