Enero 23, 2018
AQUARIUS
(Enero 20- Pebrero 18)
Maraming gawain subalit kailangan ang pahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat pagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.
PISCES
(Pebrero 19- Marso 20)
Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan ang mamumuo sa tahanan suba-lit hindi ka direktang kasali. Subukang ayusin ang sigalot at tiyakin na hindi makasali sa kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.
ARIES
(Marso 21- Abril 19)
Anuman ang gawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na plano.Nagiging ugali ang magpabaya, dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.
TAURUS
(Abril 20-Mayo 20)
Hindi maiiwasan ang argument subalit mailalayo ang sarili sa away kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumentong nagsisimula sa simpleng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.
GEMINI
(Mayo 21-Hunyo 21)
Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain dahil hindi ka makatanggi pero dapat mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.
CANCER
(Hunyo 22-Hulyo 22)
Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.
LEO
(Hulyo 23- Agosto 22)
Isang magandang balita ang matatanggap. Mag-ingat sa sasabihin dahil baka ang balitang sana ay maganda ay maging pangit dahil sa paraan nang pagtanggap ng iba. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.
VIRGO
(Agosto 23-Setyembre 23)
Kung gulung-gulo ka sa kaka-isip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan, makakatulong ang pag-a-unwind. Pero kung dumaranas ng hindi maganda, baka kailangan mo nang magdesisyon na ituon na lang sa iba ang iyong atensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown.
LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)
Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino ang darating. Ngayon mapapagana nang husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kailangan upang makatiyak sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet.
SCORPIO
(Oktubre 24-Nobyembre 22)
Kung inaakalang walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at indigo.
SAGITTARIUS
(Nobyembre 23-Disyembre 21)
Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos ng walang hadlang. Isang kaibigan o kamag-anak ang malamang darating at dadaing ng kanyang problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at green.
CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)
Kung makatanggap ng regalo ngayon, tiyak magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay A, C o M, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan kayo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac.
- Latest