^

Kutob

Enero 22, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) - Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang. Harapin nang buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging tama man ito o mali. Magdahan-dahan sa anumang ginagawa o gagawin para maiwasan ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) - Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok ng iyong pagti-timpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa paggawa nang mag-isa o sa pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

ARIES (Marso 21-Abril 19) - Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi magandang salita. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin kung iiwasan na maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) - Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-isipan ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. Posible na makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) - Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan nga-yon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Iwasan ang maki-pag-date. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) - Kakapusan ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Gaano man kasakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin. Tiisin dahil kapos ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) - Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang pana-uhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan o maibigay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) - Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan nang mabuti bago magsalita o humatol para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) - May gantimpala na naghihintay  sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Magiging masuwerte kung maisasakatuparan ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) - Ang gawain na hindi napapansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) - Bagay ngayon ang paki-kisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- (Enero 19) - Ang makiisa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon kung magiging malambing lamang. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with