^

Kutob

Enero 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS
(Enero 20- Pebrero 18)

 Walang kasingsaya kung nasa piling ng mga mahal sa buhay. Ang pagkakaisa ng pamilya ay siyang sadyang pakay mo ngayon. Malaki ang pagkakataon na magampanan ang responsibilidad sa pamilya, maging sa ama, ina o anak. Lucky numbers at color for the day ay 23, 32, 40, 43
at maroon.

PISCES
(Pebrero 19- Marso 20)

Maaaring may suliranin ka subalit sa tawag ng panahon maaaring makalimutan pansamantala at makisaya. Huwag tutukan ang problema ngayon dahil ang kalutasan ay darating sa tamang panahon. Huwag maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 31, 40 at red.

ARIES
(Marso 21- Abril 19)

Pag-isipan muna ang mga bagay na dapat gawin bago simulan o magdesisyon. Taos pusong panalangin ang kailangan para mabigyan ng liwanag ang isip. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 32, 44 at green.

TAURUS
(Abril 20-Mayo 20)

Huwag ikahiya ang kahirapan kung sa malinis na paraan nanggaling ang ihahain sa hapagkainan. Magplano, kumilos, magtiis at magtiyaga, at tiyak nasa tamang landas ang kaunlaran na tatahakin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 23, 40 at lavender.

GEMINI
(Mayo 21-Hunyo 21)

May mga pagsubok na sasalubong sa iyo ngayon ngunit kung buo ang loob at hindi magiging emosyunal, makikita ang tamang solusyon. Wala kang maaasahang tulong mula sa iba ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 38 at navy blue.

CANCER
(Hunyo 22-Hulyo 22)

Pagsisisihan mo kung magpapadala ka sa udyok o hikayat ng iba. Gamitin ang sariling desisyon dahil nasa panig ang lakas ng ESP. Kung ina-akalang nasa katuwiran, huwag matakot na ipaglaban. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 21, 41 at violet.

LEO
(Hulyo 23- Agosto 22)

Kung may lihim, malamang may makakatuklas. Kung nagyabang, malamang mabubuking. Kung namamang-ka sa dalawang ilog, may bagyong padating. Masarap mabuhay sa katotohanan kaya magpakatotoo ka. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 22, 24 at peach.

VIRGO
(Agosto 23-Setyembre 23)

May mga paanyayang matatanggap. Kung makakadalo sa party, may bagong makikilala. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay C o R, magkakaroon ng relasyon sa pag-ibig o hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 22, 41 at purple.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

Kung pera ang kulang at ipagtatapat sa kaibigan o kamag-anak, maaaring maresulba ang problema. Kung pag-ibig ang kulang, huwag maging mapusok dahil kapahamakan ang idudulot. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 33, 43 at yellow.

SCORPIO
(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Makisaya ang sadyang pakay subalit mag-ingat sa mga bibitawang salita, dahil magiging madaldal ka ngayon. Iwasan ang biro o kantiyaw. At iwasan din ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 27, 30 at avocado green.

SAGITTARIUS
(Nobyembre 23-Disyembre 21)

Lalong magiging masaya ang iyong araw sa balita o regalong matatanggap. Malamang may dadalaw na kaibigan o kamag-anak. Masaya ang araw at walang problema maging sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 32, 42 at fuschia.

CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)

Ngayon ang panahon para baguhin ang mga pagkakamaling nagawa. Madali kang mapapatawad kung taus-puso ang pagsisisi. Panahon nang pagbabago sa masamang bisyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 21, 45 at indigo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with