^

Kutob

Enero 20, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS(Enero 20- Pebrero 18)

Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga dahil masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

PISCES(Pebrero 19- Marso 20)

Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralan nang mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad,  magkakaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Kailan man ang nagmamadali sa pagpapasiya ay nalalagay sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

ARIES(Marso 21- Abril 19)

Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa kinabukasan. Matatapos ang gawain na sinimulan nang walang hadlang o abala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 13, 41 at jade green.

TAURUS(Abril 20-Mayo 20)

Kung nasa kalooban ang tapat at walang pagkukunwari, nasa tama ang gawain. Maaaring may pagsubok dulot ng kahirapan, kakapusan, relasyon o sa trabaho. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 24 at yellow.

GEMINI(Mayo 21-Hunyo 21)

Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

CANCER(Hunyo 22-Hulyo 22)

Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula nang pagba-budget at mag-impok para may madukot kung may kakailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mang-yayari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

LEO(Hulyo 23- Agosto 22)

Angkop ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

VIRGO(Agosto 23-Setyembre 23)

Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay sa iba at sa mga nakatulong noon. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

LIBRA(Setyembre 24- Oktubre 23)

Maaaring maitanggi ang pagtulong sa isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang ng pera dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

SCORPIO(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinan-syal na dapat bigyang halaga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS(Nobyembre 23-Disyembre 21)

Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin kaugnay sa ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

CAPRICORN(Disyembre 22- (Enero 19)

Huwag magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Tiyakin sa sarili ang pasiya bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with